
Nag-alok ang Lokal na Pamahalaan ng San Manuel, Isabela ng P50K reward money para sa impormasyong magtuturo sa ikadarakip ng gunman sa pagpaslang sa beauty queen at guro na si Lulette Jane Ramilo de Guzman, dating 1st runner-up ng Miss Earth 2013.
Ayon kay Mayor Dondon Dy, hindi titigil ang pamahalaang lokal hangga’t hindi napapanagot ang salarin.
Inilarawan niya ang biktima bilang isang mapagmahal na ina ng tatlong anak, masipag na guro at haligi ng kanilang komunidad.
Batay sa paunang ulat, pinagbabaril ang sasakyan ng biktima sa harap mismo ng kanyang bahay nitong Biyernes, Pebrero 13.
Hinihikayat naman ang publiko na makipag-ugnayan sa San Manuel Police Station para sa anumang mahalagang impormasyon.
-- ADVERTISEMENT --










