TUGUEGARAO CITY- Pahirapan ang pag-uwi sa mga labi ng SK Chairman na isa sa mga namatay sa pagkahulog ng elf truck sa Conner, Apayao sa kanilang bahay sa Brngy.Allangigan, Conner.

Matapos na makarating sa hangganan ng kalsada ang elf na pinagsakyan kay Aida Battaliones, ay pinagtulungan siyang buhatin at naglakad ng 35 minuto bago makarating sa kanilang bahay.

Matatandaan na tanging si Battaliones ang namatay sa mga nakisakay na mga taga-Conner sa elf.

Nabatid na halos hindi na makilala si Battaliones dahil sa matinding pinsala sa kanyang ulo at mukha.