
Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang mga post sa social media na ipinagbawal ng kagawaran ang pagdaraos ng Christmas party sa mga paaralan ngayong kapaskuhan.
Ayon sa DepEd, fake news ang nasabing mga post, dahil wala silang inilalabas na anunsiyo na bawal ang Christmas party sa mga paaralan.
Kasabay nito, pinapaalalahanan ng kagawaran ang publiko na maging mapanuri at i-report ang mga social media page na nagpapakalat ng maling impormasyon.
Para sa mga opisyal na pahayag ng kagawatan, hinikayat ng DepEd ang publiko na tingnan ito sa kanilang verified DepEd Philippines social media accounts at website.
Kamakailan lang, naglabas ng Malacañang na nag-aatas sa mga ahensiya ng gobyerno na gawing simple ang kanilang holiday at year-end party o celebrations sa harap na rin ng mga kalamidad na nangyari sa bansa ngayong taon.
Sinabi ni Palace Press Office Undersecretary Attorney Claire Castro na bahagi ito ng pakikiisa ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. sa taumbayan na nakaranas ng maraming pagsubok dulot ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa.










