Itinutulak ni SP Pro Tempore Ping Lacson ang pagpapatupad ng mas madalas na random checking sa mga ambulansyang gumagamit ng ‘wang-wang’ tuwing rush hour pero wala namang sakay na emergency patients.

Ayon kay Lacson, maliban sa nakakasakit sa tenga ang tunog ng ‘wang-wang’ ay maari rin itong magdala ng panganib sa mga motorista at commuter.

Anya, ang sinumang drayber ng ambulansya na mapapatunayang wala namang sakay na emergency patients habang nakawang-wang ay maaring maaresto at bawiin ang lisensya.

Kamakailan, iniulat ng Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation na may pinatigil silang ambulansya sa EDSA Busway Santolan station at nang inspeksyunin nila ito lumalabas na ginamit lang ang ambulansya bilang shuttle service ng mga pasaherong magpapacheck-up sa hospital.