photo credit: Tuguegarao City Information office

TUGUEGARAO CITY-Muling iniutos ng Local Government Unit(LGU) ng Tuguegarao ang paggamit ng covid shield control pass simula bukas, Setyembre 23 hanggang Oktubre 6, 2020.

Napagdesisyonan ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ang naturang hakbang dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng covid-19 sa lungsod kung saan layon nitong malimitahan ang paglabas ng mga residente.

Maaari namang ipresenta o gamitin ng mga government employees ang kanilang mga government-issued ID.

Sa mga indibidwal naman na nais pumasok sa lungsod ay kailangan na muli ng VISITORS PASS na maaring makuha sa mga check-point areas.

Samantala, naglabas din ang LGU-tuguegarao ng bagong curfew hours mula alas 10 ng gabi hangang alas kwatro ng madaling araw na epektibo ngayong araw, Setyembre 22, 2020.

-- ADVERTISEMENT --

Inamyendahan ng 8th City Council ang bagong curfew hours ngayong araw bilang isa sa mga hakbang upang malimitahan ang mga residenteng nasa labas ng kanilang bahay.