Patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kaugnay sa pagkakatuklas ng siyam na bangkay ng mga dayuhan sa Pampanga at ang iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos) sa bansa.
Ito ay ang mga bangkay ng anim na Chinese, isang Vietnamese, isang Malaysian, at isang Japanese na natagpuang nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Pampanga.
Samantala, isang incinerator din ang natagpuan sa isang Pogo complex sa bayan ng Porac Pampanga
Gayunpaman, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston Casio na sa ngayon ay wala pang ebidensya na nag-uugnay sa incinerator na natagpuan sa sinalakay na Pogo complex sa mga bangkay at kung mapatunayang walang permit ang pagkakaroon ng incinerator sa Pogo complex ay nangangahulugan na paglabag sa Clean Air Act.