
Nagpaalala ang National Privacy Commission (NPC) na ang pagkuha at pag-upload ng larawan o video ng isang tao nang walang pahintulot ay maaaring paglabag sa Data Privacy Act of 2012.
Ayon sa NPC, bagama’t pinapayagan ang pagre-record ng mga law enforcer o traffic enforcer bilang bahagi ng kanilang trabaho, iba ang usapin ng pag-upload nito sa social media at dapat itong may legal na batayan.
Ipinaalala rin ng ahensya na kung tumutol ang taong kinukunan sa pag-upload ng video, maaari pa rin itong maituring na paglabag sa privacy kahit naka-blur ang mukha.
Ang pahayag ay kasunod ng viral na video ng MMDA clearing operation kung saan kinunan at in-upload ang isang gurong nahuling nagmomotorsiklo nang walang helmet sa kabila ng pagtutol nito.
Samantala, iniimbestigahan na ng MMDA ang insidente.










