Mahigpit na binabantayan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC ang mga post sa social media kaugnay ng insidente ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga University noong Martes, Aug. 18.

Kabilang umano rito ang kumakalat na footage ng pamamaril sa loob ng nasabing unibersidad, para hindi na magdulot pa ng panic sa publiko at para hindi na rin magamit sa pag-iimpluwensiya sa iba.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang CICC sa mga kaukulang ahensya, stakeholders, at sa Meta, para agad na ma-take down ang nasabing footage at para makapagpatupad ng mga karampatang hakbang.

Panawagan ng CICC sa publiko, huwag nang i-repost ang mga video ng nasabing insidente, at gabayan ng mga magulang ang paggamit ng social media at gaming platforms ng kanilang mga anak, lalo na ng mga menor de edad.

-- ADVERTISEMENT --