
Posibleng maantala ang paghahatid at paglalabas ng mga pasaporte na inaplayan noong nakaraang lingo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang delay ng passport application ay dahil sa logistical at supply chain issues na dulot pa rin ng patuloy na krisis sa Middle East.
Dahil dito, maaantala ng 10 hanggang 15 araw ang delivery at release ng mga pasaporte mula sa petsa ng aplikasyon, hanggang sa tuluyang bumalik sa normal ang operasyon ng ahensya.
Pinayuhan naman ng DFA ang mga aplikante na makipag-ugnayan sa kani-kanilang consular office o foreign service post para sa karagdagang impormasyon.










