Nanawagan si Nueva Vizcaya Representative Timothy Joseph Cayton kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang panukalang Universal Social Pension Act.

Ito ay matapos iabot ng grupo ng mga senior citizen kay House Speaker Faustino “Bodjie” Dy III ang halos dalawang milyong lagda bilang suporta sa panukalang batas.

Ayon kay Cayton, panahon na upang gawing karapatan ng lahat ng Pilipinong edad 60 pataas ang pagtanggap ng social pension bilang pagkilala at suporta sa mga nakatatanda.

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa sa Committee on Appropriations ng Kamara ang naturang panukala.