Inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na posibleng hindi muna ibibigay ang sahod ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kung may rekomendasyon ang Senate ethics Committee.

Mula noong buwan ng Nobyembre ng nakalipas na taon ay hindi pa pumapasok sa senado si Dela Rosa.

Sinabi ni Lacson na pumunta kahapon sa senado si dating senator Antonio Trillanes IV, kung saan nakipagpulong siya sa kanya at kay Senate President Vicente Sotto.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang plano ni Trillanes na maghain ng ethics complaint laban kay Dela Rosa.

Maaaring gamitin ng senado ang posibleng rekomendasyon ng ethics committee para amyendahan ang rules na magbibigay-daan para sa sanctions laban kay Dela Rosa.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Lacson, na ang posibleng suhestion ay hindi muna ibibigay o sususpindihin muna ang sahod ni Dela Rosa.

Ayon kay Lacson, na masusing pag-aaralan ang nasabing usapin dahil sa saklaw sila ng Civil Service Law.

Sinabi niya na posibleng hindi gagana ang plano na huwag ibigay ang sahod ng nakaupong senador kung walang basehan.