Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtaas ng pamasahe sa jeepney at bus, ayon kay Chairperson Vigor Mendoza.

Sinabi ni Mendoza na ang eksaktong halaga ng dagdag-pamasahe ay iaanunsyo sa Martes matapos itong ipaliwanag at i-justify sa Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez.

Ayon sa kanya, ang pagtaas ng pamasahe ay tiyak na ipatutupad, subalit kinakailangan munang aprubahan at patunayan ang eksaktong halaga bago ito opisyal na ipatupad sa mga pampasaherong sasakyan.

Ayon sa LTFRB, nakatakda na ang fare hike, at ito ay bahagi ng pagsasaayos sa transport system upang masiguro ang patas na kita para sa mga driver at operator kasabay ng umiiral na gastos sa operasyon.

Ang opisyal na anunsyo ng eksaktong dagdag-pamasahe ay inaasahang magbibigay linaw sa publiko sa Martes.

-- ADVERTISEMENT --