Nasurpresa ang isang law expert sa iprinisinta ng depenssa sa pagbubukas ng unang araw ng comfirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na tinalakay ang pulitika sa bansa.

Sinabi ni UP Law Center International Criminal Law Program head Atty. Michael Tiu Jr. na nakakagulat ang opening statement ng kampo ni Duterte na tinalakay ang Philippine politics.

Ayon kay Tiu, ang mga nasabing pahayag ng depensa ay hindi tipikal sa pagdinig sa ICC.

Gayunman, sinabi ni Tiu na maaaring ito ay bahagi ng kanilang naratibo na nais nilang iparating kung bakit nakarating sa The Hague si Duterte.

Iginiit ni Tiu na ang nasabing mga argumento ay hindi mahalaga sa mga judges na inatasan na magdetermina kung may sapat na ebidensiya para dalhin ang kaso ni Duterte sa trial.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni Tiu na masyado pang maaga kung anong panig ang lamang base sa unang araw ng pagdinig ng confirmation of charges, dahil sa maglalabas pa ang depensa ng kanilang buong ebidensiya.

Inaakusahan si Duterte ng crimes against humanity sa pagitan ng November 1, 2011 hanggang March 16, 2019 kaugnay sa kampanya sa war on drugs.