Aabot sa 60 health workers na kabilang sa A1 category ang naturukan ng COVID-19 booster shot sa unang araw ng rollout sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC), kahapon.

Ito ay pinangunahan mismo ni CVMC chief Dr. Glenn Mathew Baggao na kauna-unahan ding naturukan ng bakuna sa rehiyon noong unang araw ng rollout ng vaccination.

Kasabay nito ay sinabi ni Baggao malaking ginhawa na nabigyan na ng booster shot na Pfizer at tulad ng dati ay wala naman itong naramdamang adverse effect.

Bukod kay Baggao ay nabakunahan rin ang ilan pang doctor at nurses ng CVMC habang isusunod ang mahigit dalawang libong medical frontliners depende sa kanilang schedule noong unang pagbabakuna.

Samantala, nasa 60 pasyente na positibo sa COVID-19 na lamang ang kasalukuyang naka-admit sa CVMC, pinakamababa sa mahigit 300 pasyente noong may surge ng COVID-19.

-- ADVERTISEMENT --