
Epektibo na ngayong araw ang taas-presyo sa kada litro ng produktong petrolyo.
Kaninang alas 6:00 ng umaga ay ipinatupad na ang P1.20 kada litro na umento sa gasolina at diesel.
Wala namang pagbabago sa presyo ng kerosene dahil umiiral pa rin ang nationwide price freeze matapos ideklara ang state of national calamity.
Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), inaasahan na ang pagtaas dahil sa US sanctions laban sa Russian oil at positibong pagresolba ng US government shutdown.
Ito na ang ikapitong sunod na linggo ng pagtaas sa gasolina at ikaapat na linggo para sa diesel. Sa year-to-date data hanggang noong Oktubre 28, umabot na sa P16.50/L ang net na dagdag sa gasolina, P19.15/L sa diesel, at P6.55/L sa kerosene.









