Inihain nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos sa Kamara ang House Bill No. 10431 o Sariling Kuryente Act, kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA). Layunin ng panukala na hikayatin ang mga kabahayan at negosyo na makalikha at makapag-imbak ng sarili nilang kuryente sa pamamagitan ng solar panels at battery storage systems nang hindi na ituturing na commercial power producers.

Sa ilalim ng panukala, hindi na kakailanganin ang paunang pag-apruba, certificate of compliance, o iba pang dagdag na rekisito para sa mga kwalipikadong sistemang para lamang sa sariling konsumo at hindi nagsusuplay ng kuryente sa distribution grid. Inaatasan lamang ang may-ari na ipaalam sa distribution utility kapag natapos na ang pag-install.

Samantala, sinabi ni Department of Energy Secretary Sharon Garin na maglalabas ang DOE ng isang polisiya na may layuning gawing mas simple at mabilis ang proseso ng pag-install ng mga naturang sistema, bilang suporta sa layunin ng Sariling Kuryente Act.