Muling itinanggi ng malapit na kaibigan ni Kris Aquino na si Dindo Balares ang mga tsismis na siya na sumakabilang-buhay na ang TV host/actress.

Tinugunan ni Balares ang nasabing tsismis sa kanyang Facebook page, at sinabi na dalawang tao ang tumawag sa kanya at kinumusta ang kundisyon ni Kris.

Kasabay nito, nanawagan si Balares sa mga followers ni Kris na mag-ingat sa mga fake news at misinformations.

Ayon kay Balares, tuloy ang panggagamot at pagpapalakas ni Kris.

Kasunod nito ay nag-post si Balares ng pinakahuling larawan ni Kris, Josh at Bimby na ipinadala sa kanya ni Queen of All Media.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, sinabi ni Balares na laging inaantok ngayon si Kris, at umaasa siya na ito ay senyales ng kanyang unti-unti paggaling.

Bumalik sa bansa si Kris sa bansa noong Setyembre matapos ang mahigit dalawang taon na medical treatment sa United States matapos siyang ma-diagnose ng anim na immune diseases.