“Nothing, really. That’s her choice.”

Ito ang naging sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang matanong siya ng media sa naging anunsiyo kamakailan ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya bilang presidente sa 2028.

Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos ang ginawang inspeksyon sa implementasyon ng “Oplan Kontra Baha” project sa Sagop Creek sa Barangay Triangul, kasama si Naga City Mayor Leni Robredo.

Tumanggi ring magbigay ng reaksyon si Marcos nang matanong siya sa posibilidad na tatakbo siya bilang bise presidente at maging running mate ni Duterte.

Inanunsiyo ni Duterte ang kanyang pagtakbo sa 2028 nitong araw ng Miyerkules.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, sinabi ni Palace press officer Claire Castro na hindi naalarma ang Malacañang sa posibleng Sara-Aimee Marcos Tandem.