Idineklarang regular holiday sa buong bansa ang June 17 bilang paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.

Nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin ang Proclamation No. 579 nitong June 4 kung saan nakasaad na ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang Islamic holiday na ginugunita kada taon.

Base sa proklamasyon, inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos na maideklarang national holiday ang June 17 alinsunod sa 1445Hijrah Islamic Lunar Calendar.

Ang Eid’l Adha ay isang Muslim festival na siyang nagmamarka ng pagtatapos ng taunang pilgrimate sa Mecca at pag-aalala sa sakripisyong ipinamalas ng propetang si Abraham.