Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DBM COMPASS, isang digital platform na magbibigay sa publiko ng mas madaling access sa impormasyon tungkol sa badyet at aktuwal na paggasta ng pamahalaan.

Kasabay nito, inilunsad din ang updated Philippine Public Financial Management Reform Roadmap 2024–2028 upang higit pang mapalakas ang transparency at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan.

Ayon sa Pangulo, karapatan ng bawat Pilipino na malaman kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad na buwis.

Sa pamamagitan ng online portal, maaaring makita ng publiko ang badyet, obligasyon, at pondong nailabas ng bawat ahensya at rehiyon.

Inatasan din ni Marcos ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tiyaking nakaayon ang kanilang mga badyet sa mga pangunahing prayoridad ng bansa at maayos ang implementasyon ng mga proyekto upang maramdaman ng taumbayan ang benepisyo ng pondo ng gobyerno.

-- ADVERTISEMENT --