Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Palawan 1st District Representative Franz Josef George Alvarez bilang bagong acting president at chief executive officer ng Philippine National Oil Company o PNOC.

Kinumpirma ito ng Malacañang matapos lagdaan ni Pangulong Marcos ang appointment letter ni Alvarez noong Mayo 13, 2026.

Papalitan ni Alvarez si Ma. Cristina Sheila Canag Cabaraban sa pamumuno ng PNOC.

Bago ang kaniyang bagong posisyon, nagsilbi rin si Alvarez bilang president at CEO ng PNOC Exploration Corporation, isang subsidiary ng PNOC.

Ang PNOC ang pangunahing government corporate entity na nangangasiwa sa eksplorasyon at pagpapaunlad ng iba’t ibang energy resources ng bansa upang matiyak ang sapat at matatag na suplay ng enerhiya.

-- ADVERTISEMENT --