
Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palalawakin pa ang career opportunities para sa mga guro kaakibat ng layunin ng administrasyon na gawing mas sustainable at may dignidad ang teaching profession.
Ginawa ni Marcos ang commitment sa pagdalo niya sa panunumpa ng mga bagong promoted na mga guro at school heads sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) program mula sa Bulacan at Pampanga Clusters sa isang seremonya sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Sinabi ng Pangulo na walang sinoman na guro na magreretiro na Teacher-1.
Ayon pa sa Pangulo, naniniwala siya na ang tunay na landas para sa pag-unlad ng bansa ay ang magandang kinabukasan para sa mga kabataan.
Sinabi ni Marcos na patuloy na magbibigay ang pamahalaan ng mga oportunidad para matiyak ang promotion, at isa na dito ay ang pagbubukas ng mas maraming senior positions sa Departmen of Education.
Sa nasabing event, kabuuang 1,991 personnel mula sa Bulacan at Pampanga ang na-promote at na-reclassified.









