Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon siyang sipon at ubo, subalit tiniyak niya na hindi ito makakaapekto sa paggampan ng kanyang tungkulin.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa kanyang talumpati sa Awards Rites for the 2024 Outstanding Government Workers in Malacañang.

Tumigil si Marcos sa kalagitnaan ng kanyanng talumpati para suminga, at humingi ng paumanhin sa mga dumalo sa aktibidad.

Kahapon at nakasuot ng face mask ti Marcos sa sectoral meeting sa Malacañang.