Kung may Met Gala para sa mga glamorous celebrities, mayroon ding Met Gala para sa mga aso.

Isinagawa ng designer na si Anthony Rubio ang Pet Gala 2024 sa American Kennel Club Museum of the Dog sa New York.

Sinuotan ang mga aso ng mga aso ng damit na parang katulad ng mga suot ng mga celebreties sa Met Gala kamakailan.

Iprinisinta sa event ang mga pinag-usapan na mga stars sa Met Gala, kabilang si Daffodil the Pomeranian bilang Jennifer Lopez, Kimba the chihuahua bilang Zendaya, Miley-Jo the chorkie bilang Cardi B and Bastian the Terrier bilang Colman Domingo.

Ang event na nagkakahalaga ng $300 ang ticket ay fund raising para sa Metropolitan Museum of Art’s Costume Institute.

-- ADVERTISEMENT --