
Ibinasura ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 297 ang petisyong inihain ng kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya na kumukwestiyon sa awtoridad ng Senado na siya ay mai-cite in contempt.
Sa desisyon ng korte, binigyang-diin na bigo si Discaya na magpakita ng sapat na ebidensya upang patunayang nagkaroon ng pagmamalabis o abuse of discretion ang Senate Blue Ribbon Committee.
Kinatigan ng korte ang legalidad ng ginagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga anomalya sa flood control projects, sa pagsasabing ito ay lehitimong hakbang “in aid of legislation.”
Dagdag pa ng korte, sumunod ang Senado sa mga itinakdang rules of procedure at nirespeto ang mga batayang karapatan na ginagarantiyahan ng Konstitusyon habang isinasagawa ang naturang pagsisiyasat.










