TUGUEGARAO CITY- Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Embassy sa Abu Dhabi sa pagkamatay ng dalawang Filipino sa gas explosion sa isang restaurant sa Shiekh Rashid Bin Saeed Road na kilala rin na airport road.

Nakipag-ugnayan na si Ambassadcor Hjayceelin Quintana sa pamilya ng mga nasawi at nangako na ibibigay sa kanila ang kailangang tulong.

Ayon pay inilabas na statement, sinabi ni Quintana na patuloy na nakikipag-ugnayan ang embassy sa mga otoridad para makuha ang detalye sa ilang Pinoy na nasugatan na dinala sa ospital para mabigyan din sila ng tulong.

Kasabay nito, pinayuhan niya ang mga Filipino na manatiling ligtas at sundin ang mga protocols ng Abu Dhabi.

-- ADVERTISEMENT --