Walang kaugnayan ang pagpapadala ng fighter jets ng bansa para sa gaganaping Pitch Black Exercises 2024 sa nagpapatuloy na tensiyon sa West Philippine Sea ayon yan Philippine Air Force (PAF).

Sinabi ni Lieutenant Colonel Mario Mendoza, miyembro ng PAF contingent, nagkataon lamang na layunin ng iterasyon ng Pitch Black 2024 na maisama ang mga eroplano ng bansa ngayong taon.

Aniya, sa nagdaang iterations ng nasabing pagsasanay ay nag-deploy ang PAF ng personnel upang makibahagi bilang observers lamang.

Ilan sa mga pagsasanay na isasagawa ay ang interoperability flights, night flying, simulated aerial attacks at pagharang sa mga unidentified aircraft na pumapasok sa airspace ng ating bansa.

Bukod dito ay lalahok din sa nasabing pagsasanay ang nasa 21 na bansa gaya na lamang ng fighter jets ng United States, United Kingdom, Japan, Canada, France at Germany habang sa panig naman ng Pilipinas ay nasa 200 PAF personnel ang makikilahok.

-- ADVERTISEMENT --