
Iniimbestigahan na ng Philippine Army ang alegasyon ng pananakit sa ilang trainees ng National Guard sa loob ng Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.
Ayon kay Army 2nd Infantry Division spokesperson Colonel Michael Aquino, agad na inalam ng kanilang hanay ang ulat at kasalukuyang sinusuri ang mga pangyayari kaugnay ng insidente.
Tiniyak ng Philippine Army na hindi nito kukunsintihin ang anumang uri ng pisikal na pagdidisiplina na labas sa itinakdang alituntunin.
Lumalabas sa paunang impormasyon na nag-ugat ang insidente matapos umanong magalit ang isang instructor na staff sergeant nang mabigo ang mga trainees na agad na makapagsagawa ng formation.
Patuloy ang imbestigasyon ng Army upang matukoy ang buong detalye ng insidente at kung sino ang maaaring managot.










