Handa na ang Pilipinas na maging host sa Association of Southeast Asian Nation Summit na gaganapin sa bansa ngayong buwan ng Mayo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinulong na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ilang mga ahensya ng pamahalaan na may direktang tungkulin sa ASEAN Summit.

Ayon kay Castro, napag-usapan sa pagpupulong ang mga hakbang na magpapatibay sa panawagang ihatid ang direktang pakinabang sa ekonomiya sa sub-region.

Nais din ng Pangulo na mabigyan ng focus ang pagtulong sa Bangsamoro Autonomous Region in muslim Mindanao or BARMM para sa idadaos na BIMP-EAGA ng ASEAN Summit at iba pang mga mahahalagang paksa.

Kasama sa mga dumalo SA pulong sina DFA Secretary Maria Theresa Lazaro, DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque, DICT Secretary Henry Aguda, DSWD Secretary Rex Gatchalian at DOST Secretary Renato Solidum at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --