Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na mas higpit na ipatupad ang proteksyon sa municipal waters upang masiguro na ang maliliit na mangingisda ang pangunahing makinabang at hindi maaapektuhan ng commercial fishing.

Ayon kay Pangilinan, mahalaga na mapangalagaan ang kabuhayan ng municipal fisherfolk habang pinapanatili ang sustenableng paggamit ng yamang-dagat. Inihayag niya ito sa public hearing ng Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform nitong Huwebes, Marso 12, 2026.

Binanggit ng senador na may mga ulat mula sa lokal na pamahalaan na patuloy na pumapasok ang commercial fishing vessels sa municipal waters, na nagreresulta sa pagbaba ng kita ng mga marginal na mangingisda. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mahigpit na monitoring, regular na patrol, at enforcement upang maprotektahan ang municipal fisheries.

Aniya, malinaw ang layunin na tiyakin ang preferential rights ng mga municipal fisherfolk at pigilan ang ilegal o komersyal na pangingisda sa kanilang nasasakupan.

Dagdag pa ng senador, ang pagpapanatili ng protektadong municipal waters ay hindi lamang para sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda kundi para rin sa pangmatagalang kalusugan at seguridad ng yamang-dagat sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --