Bumawi ang halaga ng piso laban sa US dollar nitong Huwebes, Agosto 20, matapos ang limang magkakasunod na araw ng paghina.

Nagsara ang piso sa ₱61.67 kada $1, mas malakas ng 14.5 sentimos kumpara sa ₱61.815 noong Miyerkules.

Gayunman, muntik nang umabot sa ₱62 kada dolyar ang piso matapos pumalo sa ₱61.995 sa intraday trading.

Nagbukas ito sa ₱61.85, na mas mababa kaysa dating record low na ₱61.847 noong Hulyo 24.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, nakatulong sa piso ang paghina ng US dollar laban sa iba pang pangunahing currency matapos ang hakbang ng US Treasury na dagdagan ang buyback ng long-term government bonds.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, bumawi rin ang Philippine Stock Exchange index o PSEi, na tumaas ng 80.12 puntos o 1.30% para magsara sa 6,238.46.

Ayon sa Regina Capital, dulot ito ng bargain hunting matapos ang tatlong magkakasunod na araw ng pagkalugi sa local stock market.