Pinuri ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong si Filipina tennis star Alex Eala dahil sa kanyang makasaysayang kampanya sa Wimbledon, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na naging bahagi ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Wong ang tagumpay ni Eala.

Ayon kay Wong, naniniwala siyang si Eala ang posibleng maging kauna-unahang Southeast Asian na manalo ng Grand Slam title sa Wimbledon, na sinang-ayunan naman ng Pangulo.

Inaasahang lalahok si Eala sa Singapore Open sa Setyembre matapos maiangat ang torneo sa WTA 500 status.

Ayon kay Eala, espesyal sa kanya ang Singapore dahil doon siya unang nakaranas maglaro sa isang malaking international tournament bilang junior player.

-- ADVERTISEMENT --