Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang pahayag ni dating pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Una nang iniulat na sinabi ni Duterte na alam niya kung saan nagtatago si Quiboloy, pero hindi niya ito ibinunyag.

Ayon kay PNP public information officer Col. Jean Fajardo, kailangan nilang tingnan ang konteksto ng pahayag ni Duterte.

Si Quiboloy, leader ng Kingdom of Jesus Christ ministry, ay pinaghahanap na ngayon ng awtoridad kasama ang lima pa niyang mga kasamahan dahil sa akusasyon ng sexual and child abuse at maging ang human trafficking.

Muling nanawagan ang PNP na kung sino man ang nakakaalam sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy at iba pang akusado ay makipagtulongan sa kanila.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay niyan narito at pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni Col. Jean Fajardo.