
Mababang performance ng 11 matataas na opisyal ng Pangasinan Provincial Police Office ang ugat ng kanilang pagkakasibak sa puwesto.
Ito ang ipinaliwanag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na aniya’y alinsunod sa direktiba ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr.
Sabi ni Tuano, may utos ang PNP chief para sa mga regional director na irebisa ang operational at administrative accomplishment sa mga bayang kanilang nasasakupan, kabilang na ang naging operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) patungkol sa jueteng ay nakitaan ng kapabayaan ng mga nasabing opisyal.
Dagdag pa ni Tuaño, hindi lang sa Pangasinan nangyari ang nasabing pag-relief sa mga pwesto ng mga opisyal, nauna na rito ang National Bureau of Investigation (NBI) Region 4A kung saan 3 station commanders o chief of police ang tinanggal sa pwesto sa bayan ng Laguna.
Base sa imbestigasyon, hindi totally zero ngunit nagkulang ang mga chief of police ng Pangasinan sa mga operational targets nila para sa pagsugpo ng ibat-ibang klase ng krimen.
Nabatid na kabilang sa mga sinibak na pinalitan din agad sa puwesto ang director ng Pangasinan Police Provincial Office, hepe ng Provincial Intelligence Division PRO 1; OIC Regional Intelligence Division PRO 1 at 8 pang ibang hepe ng bayan at lungsod ng Pangasinan.










