
Plano ng Philippine National Police (PNP) na bumili ng electric vehicles para sa kanilang mobile asset fleet sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.
Sinabi ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., para sa isang ahensiya na nakadepende sa langis sa araw-araw nilang operasyon, isang wake up call umano sa kanila ang kaguluhan sa Middle East para muling bisitahin ang kanilang palisiya sa patrol vehicle procurement.
Gayunman, sinabi niya magsasagawa muna sila ng kanilang sariling pag-aaral kung practical o hindi ang electric vehicles, kung maaasahan at kung angkop ito sa kanilang araw-araw na trabaho ng kanilang personnel.
Iginiit pa ni Nartatez na hindi rin dapat na makompromiso ang mabilis at maayos na pagresponde ng mga pulis sa kanilang plano.










