TUGUEGARAO CITY- Magpapatupad ng specialized police operation ang PNP Region 2 sa Jones,Isabela at Enrile,Cagayan ngayong election period.

Sinabi ni Police Brigadier General Jose Mario Espino,director ng PNP Region 2 na mag-dedeploy sila ng karagdang mga pulis sa mga nasabing lugar dahil sa mainit political situation

Gayonman, nilinaw ni Espino na hindi pa inilalagay sa “red zone” o election hot spot ang dalawang bayan dahil wala pang rekomendasyon ang Regional Joint Security

-- ADVERTISEMENT --

Coordinating Committee.

Matatandaan na sa Enrile ay may mga nangyaring ilang insidente ng pamamaril sa mga rally ng mga magkakalabang pulitiko doon.

Sinabi ni Espino na maaaring manatili ang mahigpit na seguridad sa mga nasabing bayan kahit na pagkatapos ng botohan.