TUGUEGARAO CITY-Naniniwala ang PNP na mga miembro ng New People’s Army o NPA ang nagpasabog ng improvised explosive device sa mga mga pulis na sakay ng patrol car sa Rizal,Cagayan.

Sinabi ni Police Capt.Ponciano Taliping,hepe ng PNP Rizal na ito ay batay sa mga nakuhang mga gamit sa pampasabog sa isinagawang post blast investigation ng Explosive Ordnance Division ng PNP.

Kabilang sa mga nakuha sa lugar ang double AA battery, electrical wire at iba pa.

Matatandaan na pinagbabaril muna ang patrol car bago sumabog ang IED kung saan

-- ADVERTISEMENT --

dalawang pulis at isang sibilyan ang nasugatan.

Sinabi ni Taliping na galing sila sa pakikipagdayalogo sa isang barangay at nang pabalik na sila sa kanilang station ay dito na sila pinagbabaril .

Kasunod nito ay ay sumabog ang IED sa kanang bahagi ng kanilang patrol car.