Ipinadala na ng Senate impeachment court ang pre-trial order sa kampo ni Vice President Sara Duterte at sa House prosecution panel matapos ang limang isinagawang pre-trial conferences.

Ang naturang pre-trial order ang magsisilbing gabay sa pagdinig ng impeachment trial, kabilang ang mga napagkasunduang isyu, listahan ng mga testigo, at iskedyul ng paglilitis. Nakasaad dito na may 57 testigo ang prosekusyon at 45 testigo ang depensa, kung saan 17 ang pareho nilang tatawagin.

Nakatakda ring magsimula ang impeachment trial sa Hulyo 6, alas-2 ng hapon. Gaganapin ito tuwing Lunes, Martes, at Miyerkules hanggang Hulyo 27, at pagkatapos nito ay ipagpapatuloy tuwing Martes, Miyerkules, at Huwebes hanggang sa matapos ang paglilitis.

Batay sa pre-trial order, humiling ang prosekusyon ng 62 trial dates, habang 30 trial dates naman ang hinihiling ng kampo ni Vice President Duterte.

-- ADVERTISEMENT --