Nanindigan si Taiwan President Lai Ching-te na isang bansa ang Taiwan.
Ito ay kaugnay sa unang sinabi ng China na sagradong bahagi ng kanilang teritoryo ang naturang bansa simula pa noong sinaunang panahon.
Iginigiit din nito na isa ang Taiwan sa kanilang mga probinsya, at walang karapatang matawag bilang isang estado – bagay na pinalagan ng gobyerno ng Taiwan.
Ayon kay Lai, may kakulangan sa historical evidence at legal na patunay ang China para sa kanilang sovereignty claims.
Sa huli, idiniin ni Lai na ang banta ng China sa Taiwan ay totoo, lalo pa’t mayroong military activities na pumapalibot sa kanila araw-araw.
-- ADVERTISEMENT --
Matatandaang dati nang sinabi ng Taiwan na handa itong makipagpulong sa China sa gitna ng tensyon.