Makakaramdam ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga motorista simula Martes, Agosto 4, habang tataas naman ang presyo ng LPG para sa mga gumagamit nito sa bahay ngayong buwan.

Ayon sa Department of Energy, bababa ng ₱0.73 kada litro ang lahat ng uri ng gasolina, ₱0.60 kada litro ang diesel, at ₱2.09 kada litro ang kerosene para sa linggo ng Agosto 4 hanggang 10.

Samantala, tataas naman ng hanggang ₱3.67 kada kilo ang presyo ng LPG ngayong Agosto, katumbas ng dagdag na ₱40.38 para sa 11-kilogram na tangke.

Ipinaliwanag ng ahensya na ang mga pagbabago sa presyo ay dulot ng paggalaw ng pandaigdigang merkado ng langis at mga kaganapan sa Middle East na patuloy na nakaaapekto sa suplay at presyo ng enerhiya.