Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina habnag bawas presyo naman na P0.20 sa kada litro ng diesel at P0.40 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.
May dagdag-bawas din sa presyo ng mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-8:01 ng umaga.
Ang ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.
Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng malakihang dagdag presyo na P1.20 sa kada litro ng gasolina, P1.70 sa kada litro ng diesel, at P1.20 naman sa kada litro ng kerosene.