Nagsimula ng tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa mga pamilihan sa Tuguegarao City, ilang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Itoy kasunod ng pagdami ng mga bumibili kung saan inaasahang dodoble pa ang mga presyo ng bulaklak sa inaasahang pagdami ng demand sa mismong February 14.

Batay sa monitoring ng Bombo Radyo sa mga flower shop sa Lungsod, kabilang sa mga bahagyang tumaas ay ang baby’s breath na karaniwang ginagamit bilang filler sa bouquet na nasa P35 kada stem.

Ang fresh rose, na isa sa pina-kademand na bulaklak tuwing Valentine’s Day, ay nagkakahalaga ng P100 para sa local habang P250 naman para sa imported.

P500 naman kada stem ng stargazer; carnation sa P150 kada stem; gypsophila na kadalasang ginagamit sa mas engrande at premium na bouquet arrangements ay nasa P800 kada stem na itinuturing na isa sa pinakamahal na options para sa set ng bouquet.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ang tulips ay nagkakahalaga ng P380 para sa regular at P500 naman para sa imported.

Mayroon ding iba pang fillers gaya ng yellow balls, na nag-iiba ang presyo depende sa dami, kalidad, at disenyo ng pagkakaayos.

Bukod sa mga sariwang bulaklak, patuloy ring tinatangkilik ang dried flowers, lalo na ng mga customer na nais ng mas pangmatagalang regalo na maaari pang itago bilang remembrance matapos ang selebrasyon.

Apektado aniya sa presyuhan ang gastos sa transportgasyon at ang limitadong delivery kung saan posibleng tumaas ang presyo ng rosas at tulips sa mismong Valentines Day.

Sa ngayon ay may mga customers na ring naglalagay ng advance orders upang makaiwas sa mas mataas na presyo at masiguro na may available na stock sa araw ng Valentine’s Day.

May ilan ding mamimili ang mas pinipili ang mix bouquet arrangement o mas simpleng disenyo upang makatipid, habang ang iba naman ay handang gumastos para sa mas engrande at customized na bouquet.

Samantala, sa bridal arrangement naman, ang presyo ng bridal bouquet ay naglalaro sa pagitan ng P800 hanggang P6K, o depende sa uri ng bulaklak, laki ng bouquet, at disenyo.

Mas mataas ang presyo kapag imported flowers at mas komplikado ang arrangement.