
Muling magtataas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga oil company ngayong Martes, Mayo 26, ayon sa abiso ng Department of Energy.
Aabot sa ₱1.60 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina, ₱1.96 naman sa diesel, habang ₱1.45 kada litro ang itataas sa kerosene.
Ito na ang ikalimang sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng gasolina at ikalawang sunod para sa diesel.
Ayon sa mga ulat, nananatiling mahigpit ang suplay sa pandaigdigang merkado ng langis, kabilang ang posibleng paglipat ng supply mula Asya patungo sa ibang rehiyon dahil sa pagbawas ng produksyon sa Europe.
Magkakabisa ang bagong price adjustment alas-6 ng umaga ng Martes.
-- ADVERTISEMENT --









