
Posibleng unahing resolbahin ng Senate impeachment court ang mga procedural issues at nakabinbing mosyon sa pagbubukas ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6.
Ayon kay House Prosecution spokesperson Ace Barbers, mahalagang matiyak na maayos ang lahat ng legal na proseso upang maging tuloy-tuloy ang pagdinig bago simulan ang presentasyon ng mga ebidensiya at mga testigo.
Dagdag ni Barbers, nakahanda na ang prosecution panel, kabilang ang mga private prosecutors, para sa inaasahang mahigit pitong buwang paglilitis at nananatiling maayos ang koordinasyon sa hanay ng mga abogado.










