Naghatid ng mga libreng serbisyong medikal ang Provincial Health Office at Apayao Provincial Hospital sa Barangay Katablangan Conner Apayao.

Nasa humigit-kumulang 305 residente ang nakinabang sa nasabing mga serbisyo, kabilang ang pangangalaga sa ngipin na may kabuang 60 benepisyaryo, konsultasyon sa medikal na may 124 na nakilahok, 118 na nagpasuri pagsusuri sa laboratoryo, 3 sa pagtutuli at mga serbisyo sa parmasya.

Bukod pa rito, isinagawa rin ang pamamahagi ng mga food packs at feeding program.

Ang naturang inisyatiba ay layuning makapagbigay ng mataas na kalidad na pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng mamamayan ng Apayao lalo na sa mga lugar kung saan ang mga serbisyong medikal ay hindi madaling makuha.