Walang nakikitang foul play ang pulisya sa pagkamatay ng isang magsasaka na natagpuan sa kanyang binabantayang sakahan sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Renato Valdez, 60-anyos, residente ng Brgy. Jurisdiction, Camalanuigan at caretaker ng sakahan sa Brgy. Dodan, Aparri.

Ayon kay Pol. Master Sgt. Jupiter Paguirigan ng PNP-Aparri, napansin umano ng pamangkin ng biktima na nahihirapan itong huminga habang nasa bukid kung kaya nagtawag ito ng tulong.

Subalit patay na ang biktima nang datnan ito ng kanyang pamangkin.

Nabatid na lasing ang biktima nang pumunta sa binabantayang sakahan.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman, hinihintay pa ng mga imbestigador ang resulta ng autopsy sa bangkay ng biktima upang matukoy kung paano siya nasawi.