TUGUEGARAO CITY-Nakahanda na umano ang mga relief goods sa bawat munisipalidad na ipamimigay sa mga lugar na posibleng maaapektuhan dahil sa pananalasa ng bagyong Falcon.
Ayon kay Ronald Villa ng Office of Civil Defense (OCD)Region 2, sakanilang isinagawang pangalawang pagpupulong kanina, siniguro umano ng bawat Local Government Unit (LGUs)na sapat ang kanilang mga ipapamahaging reliefs good.
Ngunit, kung sakali man na magkulang,sinabi ni Villa na nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD )Region 2 na magbigay ng karagdagang tulong sa bawat munisipalidad.
Bukod dito, naka-stand by na umano ang lahat ng Government Agencies na miembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council kasama ang AFP at PNP na magsagawa ng paglikas sa mga maaring maapektuhan ng bagyo lalo na ang mga nasa mababang lugar.