
Humingi ng paumanhin si Interior Secretary Jonvic Remulla sa isang construction worker na inaresto habang naghahalo ng semento kahit wala itong damit sa Mandaluyong City.
Ayon kay Remulla, nagkulang siya sa malinaw na instruksyon sa pagpapatupad ng Safer Cities Initiative kaya pati mga walang suot na t-shirt ay nadampot ng awtoridad.
Inako ng kalihim ang buong responsibilidad sa insidente at sinabing personal siyang hihingi ng paumanhin sa nasabing manggagawa.
Dagdag niya, susuriin ang programa ngunit magpapatuloy pa rin ang pagpapatupad nito.










