Humingi ng paumanhin si Quezon City Representative Bong Suntay kay actress Anne Curtis at sa mga nasaktan sa kanyang mga sinabi sa deliberasyon ng House Committee on Justice sa impeachment of complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Suntay na walang malisya sa kanyang mga sinabi.

Ayon sa kanya, na isang totoong sitwasyon ang kanyang mga sinabi kay Curtis, at ang totoo lamang ay ang kanyang dinabi na maganda ang aktres.

Gayunman, nanindigan si Suntay sa kanyang analogy para ipakita na hindi isang impeachable offense ang imahinasyon.

Sinabi ni Suntay na ipinakita sa deliberasyon kahapon ang isang video ni Duterte na sinabi niya ang kanyang pagnanais at kanyang imahinasyon na saktan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isa mga alegasyon sa impeachment complaint.

-- ADVERTISEMENT --

Pinalagan din ni Suntay ang mungkahi ni Akbayan Representative Perci Cendaña na sumailalim siya sa gender sensitivity training.

Iginiit ni Suntay na mali lamang ang interpretasyon at walang malisya sa kanyang mga sinabi.

Matatandaan na sinabi ni Suntay na nang makita niya si Curtis ay uminit siya at nagkaroon ng pagnanasa sa dahil sa kagandahan ng aktres.