Dead on the spot ang isang rider matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa poste ng kuryente sa bayan ng Amulung, Cagayan.
Ayon kay PLT Rosa Maribbay ng PNP-Amulung, galing sa isang lamay sa bayan ng Piat ang hindi na pinangalanang 33-anyos na biktima na dadalaw sana sa isang kaibigan sa Brgy Bayabat, Amulung nang mangyari ang aksidente sa Brgy Catarauan, Amulung bandang alas 4:45 ng madaling araw.
Lumalabas sa imbestigasyon na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang biktima at mabilis ang patakbo nito sa kanyang motorsiklo na dahilan upang mawalan ito sa kontrol sa manibela at sumalpok sa poste ng kuryente na nasa gilid ng kalsada.
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima na walang suot na helmet at mga sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan na dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.